July 4th, 2009
Andaming reklamo ngayon ng kinakaing cellphone load. Ewan ko ba kung bakit kinakain ng telcos ang load natin. Sabagay, nakakabusog nga naman yun sa kabang-yaman nila.
Pero may magagawa ba tayo? Sabi ni Congressman Mong, meron:
Read more »
Category
Cellphone at Texting |
No Comments »
July 1st, 2009
Sumali ka na ba sa Yahoo! Purple Hunt?
Sa Purple Hunt, ipinapakilala ang iba’t ibang serbisyo ng Yahoo! Philippines sa Pinoy netizens.
At habang nadidiskubre mo ang mga magagawa ng Yahoo! Philippines para sa iyo, pwede kang manalo ng digital camera, cellphone, laptop, o pati kotse.
Nasa ikatlong bahagi na ng contest na ito ng Yahoo! Philippines, at anim na Blackberry Storm ang mapapanalunan. Nasa iba’t ibang lugar sa Kamaynilaan ang Purple Crew, dala ang mga cellphone.
Para makasali, gaya ng sa treasure hunt ay kailangang malaman mo ang eksaktong lugar na kinalalagyan ng Blackberry Storm.
Read more »
Category
Yahoo! |
No Comments »
June 27th, 2009

Michael Jackson (Wikipedia)
Ano ang paborito ninyong kanta ni
Michael Jackson? Ito ang tanong ng isang kasamahan ko kahapon matapos naming ibalita ang biglaang pagkamatay ng 50-year-old King of Pop.
Dahil di masyadong marami ang alam ko sa music lalo na pag foreign music (halos Eraserheads, Gary Granada at Beatles lang ang mga alam na alam ko , at kahit pa sikat na sikat si Michael Jackson, ang naisip ko lang ay “You’ve Got a Friend.” Senti yung kantang yun, eh. Para sa mga totoong magkakaibigan. Kaso, hindi pala original na kanya yun.
Noong nasa Singapore ako, ang paulit-ulit kong pinakinggan ay yung “Give Thanks to Allah.” Kahit himno ito ng ibang pananampalataya, nagustuhan ko ang music at yung English part ng lyrics. Kaya lang, mukhang hindi naman kay Michael Jackson yung kanta.
Read more »
Category
Sining at Musika |
10 Comments »
June 23rd, 2009
Naitala kahapon ang unang biktima ng A (H1N1) — aka swine flu — sa Pilipinas.
Iniulat ni Health Secretary Francisco T. Duque III ang pagpanaw ng isang 49-year old na babaeng may sakit sa puso at na-test na positibo sa H1N1.
Heart failure ang ikinamatay ng biktima, ngunit maaaring ang sakit niya sa puso ay pinalala ng flu virus. Noong Hunyo 17 daw ay nagkaroon siya ng dry cough, lagnat, chills, at nahirapang huminga.
Read more »
Category
Balita't Usapin |
2 Comments »